-- Advertisements --
Dinaluhan ng mahigit kalahating milyon na mga Mexicans ang homecoming parade ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch.
Ayon sa Miss Universe Organization, na naging mainit ang pagtanggap ng mga Mexicans sa bagong koronang Miss Universe.
Nagsagawa rin ng programa sa isang stadium na dinaluhan ng mahigit 20,000.
Pinasalamatan ni Bosch ang mga mamamayan na dumalo at sumuporta sa kaniya.
Halos hindi na ito umalis sa stage dahil sa nais niyang makasama ang mga fans sa kanilang pagdiriwang.
Magugunitang makailang ulit na umiwas si Bosch sa mga interviews at TV appearance dahil sa ayaw niyang pag-usapan ang anumang kontrobersiyang nangyari noong kasagsagan ng pageant.
















