-- Advertisements --

Dumalo sa kauna-unahang pagkakataon ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at anak nilang si Kitty sa campaign rally ng PDP Laban sa lungsod ng Quezon.

Nanawagan si Avancena na dapat ay pumili ng mga lider na ihihiwalay ang personal interest.

Ibinahagi din nito ang kalungkutan na nadarama lalo noong inaresto ang dating pangulo dahil sa kasong crime against humanity sa International Criminal Court noong Marso.

Sa panig naman ni Kitty ay ipinarating nito ang mensahe ng kaniyang ama para sa mga Pilipino noong ito ay kanilang binisita sa the Hague.