-- Advertisements --

Idineklara ng Saudi Arabian King Salman na national holiday ang araw ng Miyerkules matapos ang panalo nila sa Argentina 2-1 sa nagpapatuloy na FIFA World Cup.

Base sa kautusan ng 86-anyos na hari, na walang pasok ang lahat ng mga empleyado sa lahat ng mga pampubliko at pampribadong sector ganun din sa lahat ng mga paaralan.

Ililipat na rin sa ibang araw ang gaganaping final exams sa mga paaralan.

Magugunitang matapos ang goal ni Argentina captain Leonel Messi ay agad na nakapasok rin ang goal nina Saleh Al-Shehri at Salem Al-Dawsari.

Nanguna si Crown Prince Mohammed bin Salman sa pagdiriwang ng tuluyang magwagi ang Saudi Arabia at maitala ang historic upset sa kasaysayan ng FIFA World Cup.