-- Advertisements --

Pinatigil na ng Dallas Mavericks sa paglalaro sa Summer League ang 2025 No. 1 draft pick na si Cooper Flagg.

Naging maganda ang performance ni Flagg sa nagpapatuloy na Summer League sa kabila ng limitadong appearanace kung saan sa ikalawang game ay nagawa niyang kumamada ng 31 points, hawak ang 47% shooting.

Bagaman natalo ang Dallas team kontra San Antonio Spurs sa naturang laban, ang 31 points ni Flagg ay ang pinakamalaking score na nagawa ng isang No. 1 pick sa kasaysayan ng Summer League, mula noong 2010.

Ilan sa mga magagandang kalidad na naipakita ng rookie ay ang episyenteng 3-point at midrange skills, pagbabantay sa paint area, at solidong depensa.

Inaasahang muling maglalaro ang NO. 1 pick sa pre-season ng 2025-2026 season, bago ang tuluyang pagpasok ng mga regular game.

Sa Dallas, makakasama niya sina Anthony Davis, Klay Thompson, at ang kasalukuyang nagpapagaling na NBA champion na si Kyrie Irving.