Musa
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang holdaper at sugatan ang kanyang kasama na nakatakas sa barilan ng mga pulis sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Rahim Mokamad at nakatakas naman si alyas Tato, mga residente ng Barangay Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Jibin Bongcayao na namataan ng grupo ni Shariff Aguak chief of police Major Radzak Musa ang mga suspek nang tangkang holdapin ang isang Payong-Payong Driver sa Barangay Labu-labu, Shariff Aguak, Maguindanao.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek ngunit nanlaban kaya nagkaroon ng barilan.

Patay on the spot si Mukamad nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan habang sugatan si alyas Tato na tumakas sakay ng motorsiklo.

-- Advertisement --

Narekober sa napatay na suspek ang isang kalibre .45 na pistola, mga bala at dalawang magasin.

Sinabi ni Major Musa na si Mokamad ay sangkot sa pangingikil, robbery hold-up at pamamaril patay o gun for hire.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Shariff Aguak Municipal Police Station habang patuloy na pinaghahanap ang nakatakas na holdaper.