-- Advertisements --

Pinuna ng International Vaccine Institute (IVI) ang hindi pantay na pamamahagi ng bakuna sa mga mahihirap at mayayamang bansa.

Sinabi ni IVI Director General Jerome Kim na ang mabagal na pamamahagi rin ng bakuna sa mga mahirap na bansa gaya sa sub-Saharan Africa ganon din ang kawalan ng testing ay magdudulot ng pagkalat pa lalo ng COVID-19.

Hindi aniya nagkukulang ang bilang ng bakuna dahil gumagawa ng nasa 300 milyon doses ng bakuna ang mga manufactures kada linggo.

Umaabot na rin aniya sa mahigit 50 bilyon doses ang nagamit sa buong mundo.

Ang mga mayayamang bansa ay natapos ng mabakunahan ang 70 percent ng kanilang populasyon habang nasa isang porsyento lamang sa kanilang populasyon ang nabakunahan ng mga mahihirap na bansa.

Umaasa ito na magpapaubaya ang ilang mga mayayamang bansa para maging pantay ang pamamahagi ng mga bakuna.