Arestado ang walong katao na dumukot sa American rapper na si Gucci Mane.
Ayon sa prosecutor na ang suspek ay kapwa rapper din na si Pooh Shiesty, o Lontrell Williams Jr sa tunay na buhay.
Nilusob niya ang pagpupulong kung saan nandoon si Mane at sapilitan siyang pinapirma ng papel na nagsasabing aalis ito sa kontrata.
Si Mane ay isang Altanta-based artist kung saan nakasama na niya sina Doja Cat, Usher, Drake at ilang mga stars.
Itinaguyod niya ang kanilang label na 1017 Records noong 2007 kung saan pumirma si Williams bilang artist noong 2020.
Walo sa mga siyam na suspek ay naaresto mula sa Dallas, Memphis at Nashvlle.
Inaasahan na maghahain ang mga ito ng not-guilty plea at kung mapatunayan ay mahahatulan ang mga ito ng pagkakakulong.
Mayroon isa pang suspek ang patuloy na hinahanap ng mga otoridad matapos ang pagtakas.
















