-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor na si Corey Parker sa edad na 60.
Kinumpirma ng tiyahin nito na si Emily Parker ang pagpanaw ng aktor sa bahay nila sa Memphis, Tennessee matapos ang pakikipaglaban sa hindi na binanggit na uri ng cancer.
Nagsimulang pumasok si Parker sa kalagitnaan ng dekada 80 kung saan ilan sa mga pelikula kung saan nakasama siya ay sa “Friday The 13th Part V: A New Beginning”.
Sinundan pa ito ng romantic drama na “9 1/2 Weeks” kasama si Kim Basinger.
Noong 1992 ay nakasama siya sa sitcom na “Flying Blind” kasama sina Tea Leoni at iba pa.
Tumatak sa mga fans ang pagganap niya sa pelikulang “Will & Grace” na isa sa mga nobyo noon ni Grace sa limang episode ng sitcom.












