-- Advertisements --

Inihayag ni US President Donald Trump na kaniyang isusunod ang Memphis, Tennessee na lagyan ng mga National Guard.

Ang nasabing hakbang ay ang patuloy niyang paghabol sa mga kriminal sa mga lungsod na pinamumunuan ng mga Democrats.

Sinabi ni Trump, nagagalak ang alkalde at gobernador ng Memphis ukol sa nasabing desisyon.

Itinuturing kasi ng FBI na Memphis ang may pinakamataas na kaso ng krimen sa US na mayroong 2,501 na krimen kada 100,000 katao.

Plano din ni Trump na malagyan ng National Guard sa New Orleans at sa Chicago.