-- Advertisements --

Naglabas ng pinakabagong ulat ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hinggil sa serye ng mga lindol sa Offshore Northern Cebu.

Ayon sa tala nitong Abril 7, 2026, umabot na sa 20,725 ang nai-record na lindol, kung saan 3,583 ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang pasilidad at 99 ang naramdaman ng publiko.

Ang mga lindol ay may magnitude range mula 1.0 hanggang 5.8.

Bagama’t karamihan sa mga naitalang pagyanig ay mahina, patuloy na pinapayuhan ng PHIVOLCS ang mga residente na manatiling alerto at maging handa sa posibleng aftershocks.

Ang serye ng lindol sa Northern Cebu ay kabilang sa pinakamahabang seismic activity na naobserbahan ngayong taon, na nagpapakita ng patuloy na aktibidad sa rehiyon.