-- Advertisements --

Muling sumalubong sa milyun-milyong Pilipino ang krisis sa langis matapos ang Holy Week break, kasabay ng pagbabalik-trabaho ng mga commuters na nahirapan dahil sa kakulangan ng masasakyan.

Dagdag pa rito ang mega oil price hike ngayong linggo na muling magpapabigat sa gastusin ng mga mamamayan.

Nanawagan si Senate Committee on Health Vice Chairman Senator Bong Go para sa mas kongkretong plano ng pamahalaan upang matugunan ang lumalalang epekto ng krisis sa buhay ng mga Pilipino.

Kabilang sa kanyang panawagan ang maayos na pamamahagi ng fuel subsidy, tulong para sa iba pang apektadong sektor, at epektibong implementasyon ng excise tax deduction o suspension.

Ayon sa senador, ito ang panahon na dapat maramdaman ng taumbayan na may gobyernong nagmamasakit sa kanila.

Dagdag pa niya, umaasa siyang ang pahinga at inspirasyong hatid ng Semana Santa ay magbibigay ng lakas sa bawat Pilipino upang patuloy na harapin ang hamon ng kasalukuyang krisis.