-- Advertisements --

Inanyayahan ni Archbishop Socrates Villegas ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang mananampalataya na harapin ang kadiliman ng kasalanan at muling tuklasin ang liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya.

Nitong Biyernes Santo, pinagnilayan ng Arsobispo ang pasyon o paghihirap na dinanas ni Hesukristo, at nanawagan sa mananampalataya na suriin ang kanilang buhay at magbalik-loob sa Diyos.

“What happened? They killed God. And before killing God, they mocked God. And before mocking God, they insulted God and stripped God,” saad ni Archbishop Villegas sa kaniyang reflection.

Sa kaniyang mensahe, inaalala niya ang biblikal na imahe ng nilikha, nang unang sumibol ang liwanag mula sa kadiliman.

“Before God created the sun and the moon and stars, there was darkness. There was no light. There was total darkness. And then the Lord commanded, ‘Let there be light,’ and there was light,” ani Archbishop Villegas.

Binanggit din ng Arsobispo ang isa pang kaganapan sa kasaysayan nang muling balutin ng kadiliman ang mundo, sa Biyernes Santo.

“There was darkness. Are we living in the darkness or are we living in the light? Since that mockery, since that insult, since that murder of God two thousand years ago, there will always be darkness until we proclaim truly this is the Son of God.”

Babala ng Arsobispo na ang kadiliman ng Biyernes Santo ay hindi lamang isang nakaraang pangyayari kundi isang kasalukuyang reyalidad.

Aniya, sa kasalukuyang mundo, patuloy na kinukutya ang Diyos, iniinsulto at itinatanggi. Nagpahayag din ng pagkabahala ang Arsobispo sa tumitinding normalisasyon ng blasphemy o paglapastangan sa Diyos at pagwawalang bahala sa pananampalataya.

Bilang tugon, umapela si Archbishop Villegas sa mananampalataya para sa pagpapakumbaba at sinserong pagsisisi.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na kilalanin o aminin ang sariling pagkakasala, sa gawa man, pagwawalang bahala o katahimikan.

Ang gawain aniya na ito ng pagpapakumbaba ay nagbubukas ng daan para sa habag at ng Diyos at pagpapanumbalik. Subalit, binigyang diin din ng Arsobispo na ang conversion ay nangangailangan ng konkretong pagbabago.

Sa pagtatapos ng kaniyang reflection, pinaalalahanan ng Arsobispo ang mananampalataya na ang Good Friday ay nagbubukas ng pag-asa ng Easter o pagkabuhay.

“If you stand up for the Lord, there is only one thing waiting for you: a new life, a new light, a new Easter.”