-- Advertisements --
Tumagal ng mahigit 13 oras ang prusisyon ng Hesus Nazareno sa Quiapo Church kasabay ng paggunita ng Biyernes Santo ngayong Semana Santa.
Base sa monitoring ng Quiapo Church, kabuuang 13 oras, 18 minuto at 37 segundo ang official running time ng prusisyon.
Nagsimula ang prusisyon alas-onse trenta’y tres ng gabi nitong Huwebes Santo, Abril 2 at nagtapos kaninang alas-dose singkwenta’y uno ng tanghali ngayong Biyernes Santo, Abril 3.
Nakibahagi ang kabuuang 517,650 deboto sa prusisyon ng imahen ng Poong Hesus Nazareno.
Ayon sa Quiapo Church, mayroong 397 medical-related incidents ang naitala sa kasagsagan ng prusisyon.
















