Si Pope Leo XIV ang naging pangalawang Santo Papa na nagdala ng krus sa buong Via Crucis noong Good Friday sa Colosseum sa Rome.
Kasama ng tinatayang 30,000 mananampalataya at milyon-milyong tao sa buong mundo, pinangunahan ni Pope Leo ang paglalakbay sa Way of the Cross sa gitna ng mga candlelit ruins ng sinaunang Roman amphitheatre, kung saan maraming maagang Kristiyano ang naging martir.
Ang Colosseum, na sinimulan ni Emperor Vespasian at natapos noong 80 AD ni Emperor Titus, ay ang pinakamalaking elliptical amphitheatre noong sinaunang panahon at kalaunan ay naging banal na simbahan.
Taun-taon, nagtitipon ang Papa at mga mananampalataya ng Rome sa Colosseum upang gawin ang espiritwal na paglalakbay sa 14 Stations of the Cross, na naglalarawan sa kamatayan ni Hesus.
Si Pope Leo XIV ay sumunod sa yapak ni Pope St. John Paul II, na nagdala rin ng krus sa buong Via Crucis mula 1980 hanggang 1994.
















