-- Advertisements --

Dadalhin na lamang sa Bureau of Treasury ang salaping hindi makukuha ng mga benepisaryo ng small wage subsidy program ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Finance Asec. Tony Lambino, hanggang bukas na lang maaaring makuha ang perang inilabas sa pamamagitan ng Social Security System (SSS), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Finance (DOF) para sa mga manggagawang kwalipikado sa naturang ayuda.

Sa record ng ahensya, nasa 87,000 pa ang hindi nakakuha ng kanilang P8,000 subsidy.

Katumbas iyon ng mahigit P6 million ang nasabing hindi pa nakukuhang pera.

Bukas ang huling araw para sa payout, at ang hindi kukuning ayuda ay ilalaan na lang sa iba pang proyekto para sa paglaban sa COVID-19.

Sa kabuuan, nakuha na ng 98 percent ang nasabing tulong ng pamahalaan.