-- Advertisements --
received 1031649633903220

Tiwala ang Supreme Court (SC) na mas marami pa ang mga persons deprived of liberty (PDLs) ang mapapalaya sa mga susunod na araw dahil na rin sa pagsasagawa ng video conferencing o videocon hearings.

Ayon kay Court Administrator Justice Midas Marquez, mula nang isagawa ang serye ng videocon hearing ay aabot na sa 4,683 ang mga PDLs na napalaya sa loob lamang ng isang linggo.

Ito ay noong April 30 hanggang May 8, 2020 lamang.

Maalalang nagbigay ng direktiba ang Korte Suprema sa mga korte na magsagawa ng videocon bilang pag-iingat na rin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Malaking bagay umano ang mga circular na inisyu ni Chief Justice Diosdado Peralta na nagpapahintulot ng videocon hearings at release o pagpapalaya sa mga PDL na inaakusahan sa mga “minor crime” at kinakailangan lamang na maglagak ng reduced bail o mas mababang halaga ng piyansa o kaya’y “recognizance.”

Sinabi ni Marquez na sa kasalukuyan, “in full swing” na at may mga natakdang videocon hearings pa sa maraming siyudad sa Metro Manila, Baguio City, maging sa Visayas at Mindanao.

IMG 20200511 104905

Nauna nang umaapela ang ilang mga grupo na palayain ang mga inmates na “vulnerable” gaya ng mga may sakit, mag edad na at mga buntis.

Sa ngayon, may mga inmates na ring dinapuan ng COVID sa iba’t ibang piitan sa bansa.