-- Advertisements --

Pupulungin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga airline companies para hilingin ang pagtanggal ng mga rebooking fees.

Sinabi ni DOTr acting Secretary Giovanni Lopez, na kung hindi ito matanggal ay gagawa ito ng paraan para mabawasan man lang ito.

Tugon ito ni Lopez sa pagkuwestiyon ng ilang mambabatas na kung bakit kailangan pang magbayad ng buo ang pasahero kahit na mayroong sapat na dahilan sila para magpa-rebook ng flight.

Umaasa si Lopez na tutugon ang mga airline companies sa nasabing hiling ng ilang mga mambabatas.