-- Advertisements --
Tuluyan ng naging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Luzon at ito ay tatawaging “Lannie”.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 285 km timog bahagi ng Sinait, Ilocos Sur.
May taglay na lakas ng hangin na 45 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Magdadala ito ng maulap na papawirin at pag-ulan sa ilang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Maapektuhan din nito ang bahagi ng Metro Manila, Central Luzon, MIMAROPA at CALABARZON.