Nakatakdang ilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 911 emergency hotline sa darating na Setyembre 11.
Ayon sa DILG na papalitan nito ang mahigit na 30 na mga lokal numbers para mapabilis ang responde ng mga kapulisan, bumbero, medical at disaster response.
Ang “Unified 911” system ay kokonekta sa mga callers ng emergency service sa isang network.
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na ang hotline ay isang “lifeline” at ang mga operators ay sinanay para matiyak sa mga callers na paparating na ang tulong.
Libre ang nasabing tawag sa buong bansa anumang oras at ito ay kayang sagutin ang iba’t-ibang lenguwahe sa bansa maging Cebuano, Ilocano, Waray, Tausug at Tagalog.
Unang ipinatupad sa bansa ang 911 bilang national emergency number noong 2016 sa panahon ni datng Pangulong Rodrigo Duterte na ito ang pumalit sa lumang Patrol 117 hotline.
Matapos ang dalawang taon ay pinirmahan ni Duterte ang Executive Order 56 na nag-iinstituinalized ng 911 sa buong bansa.