-- Advertisements --

Magsisimula na sa Setyembre 14 ang pagpapataupd ng dagdag singil sa mga terminal fees.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Jose Ines, na ang nasabing pagtaas ay hindi makakaapekto sa travel demand sa bansa.

Depensa nito na ang passenger service charges (PSC) ay walang adjustment sa loob ng 20 taon.

Magugunitang ipapatupad ng NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ang pagtaas na P390 para sa domestic PSC mula sa dating P200.

Habang mayroong P950 na pagtaas ng PSC para sa international flights mula sa dating P550.