Bumuo ang Department of Public Works and Highway (DPWH) ng isang Anti-Graft and Corruption Practices Committee para sa imbestigasyon ng mga maanomalyang flood-control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa inilabas na Department Order no. 166 series of 2025 na siyang nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, ipinaliwanag na layon ng komite na ito na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa mga flood-control projects at posibleng korapsyon na ginawa ng ilang opisyal at empleyado ng naturang ahensya.
Nakasaad din sa dokumento na bubuo rin ang kagawaran ng isang Technical Working Group kung saan itatalaga rin ang secretariat na magbigay ng assistance na kakailangnin sa imbestigasyon.
Maliban dito, bibigyan ng komite ng authorization ang mga miyembro nito na bumisita at inspeksyunin ang mga flood-control project sites para makakalap ng mga sapat na datos at impormasyon mula sa mga tanggapan at departamento na may hawak ng mga naturang proyekto na ito.
Inuutos rin ng DO na bumuo ng kanilang sariling internal rules at procedures ang panel na ito na dapat ay nakaalinsunod sa 2025 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (2025 RACCS) at iba pang mga kaugnay na CSC rules and regulations.
Ang komite rin ay nakatakdang makipagugnayan sa iba pang mga kagawaran at law enforcement bodies para sa mas matibay at maayos na pagkuha ng mga impormasyon mula sa prosecution na kaugnay pa rin sa mga naturang flood-control projects.
Samantala, naninidgan naman si Bonoan na kahit sino na gumawa ng katiwalian sa loob ng kanilang ahensya ay dapat na mapanagot sa batas at kung maaari ay maipakulong para sa ginawa nilang korpasyon sa loob ng ahensya.
















