-- Advertisements --

Hinimok ni Rep. Albee Benitez si DPWH Secretary Manuel Bonoan na mag-leave habang isinasagawa ang imbestigasyon sa mga flood control projects.

Ayon sa mambabatas, ang simpleng hakbang na ito ay makatutulong sa pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko at sa pagiging patas ng proseso.

Binatikos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga proyekto sa flood control sa kanyang SONA dahil sa kabiguang pigilan ang pagbaha sa bansa.

Inutusan ng Pangulo ang DPWH na magsumite ng listahan ng mga proyekto mula 2022 at isailalim ang mga ito sa audit.

Iginiit ni Benitez na hindi dapat ang implementor ang siyang evaluator ng proyekto upang maiwasan ang conflict of interest.

Tinawag niya itong isang hakbang ng “delicadeza” para mapanatili ang integridad ng imbestigasyon.