Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang maghigpit na pagpapatupad ng ‘zero tolerance’ laban sa mga maling gawain at katiwalian sa pamahalaan.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., hindi aniya nila kukunsintihin ang kahit anumang uri ng katiwalian sa loob ng kanilang hanay.
Ito ay kasunod nang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mga maanolmalyang mga flood-control projects na dapat sana ay naglalayong maibsan ang mga matitinding pagbha sa bansa.
Ayon sa heneral, ang pangngikil ng mga regalo, pera o kahit simpleng pabor mula sa contractor, suppliers at mga stakeholders ay walang lugar sa kanilang hanay.
Ito ay nagpapakita lamang aniya ng isang malinaw na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Coduct and Ethical Standards for Public Officials at maski sa sinumpaang mandato at tungkulin ng mga sundalo.
Kasunod nito aynanindigan si Brawner na kaisa ng Pangulo ang Sandatahang Lakas ng Pailipinas sa pagsususlong ng integridad, transparency at accountability sa kanilang serbisyong publiko.
Samantala, hinikayat naman ni Brawner ang mamamayang pilipino na magsilbing katuwang ng militar sa pagbabantay ng mga ganitong katiwalian at agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang kahit anumang mapagalamang mga anomalya at iregularidad.