Maaaring dahil sa natural na pangyayari ang panibagong tambak ng durog na corals sa ilang features sa West Philippine Sea.
Paliwanag ito ni Philippine Navy spokesperson for the WPS Ref Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng naiulat na pagtaas ng coral build-up sa ilang lugar tulad ng Hasa‑Hasa (Hala Moon) Shoal, Escoda (Sabina) Shoal, at Sandy Cay malapit sa Pag‑asa (Thitu) Island.
Aniya, ang tidal movement at mga pagbabago sa panahon ang kadalasang nagdudulot ng pagkaipon ng durog na corals sa mababaw na bahagi ng dagat.
Binigyang-diin din ng opisyal na walang anumang barkong namataang nagtatapon ng durog na corals sa mga nabanggit na lugar.
Nilinaw din ni Trinidad na ang mga naunang ulat tungkol sa tambak ng crashed corals noong 2024 ay naiulat na noon pa man.