-- Advertisements --

Planong baliktarin ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ‘memorandum circular’ ni dating Ombudsman Samuel Martires hinggil sa ‘access’ ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon sa naturang kalihim, na ngayo’y kabilang sa mga aplikante sa posisyon pagka-Ombudsman, gagawin niya raw ito sakaling siya ang maitalaga sa puwesto. 

Kanyang ibinahagi pa na aprub sa kanya maging ‘accessible’ ito at maalis ang paglilimita ngunit kalakip nito’y ilang hakbang para mapanatili ang kaligtasan o ‘proper safeguards’ aniya. 

Kasabay nito ay nilinaw ni Justice Secretary Remulla na kailangan munang magsumite ng liham ang isang indbidwal na layon makakuha o magkaroon ng ‘access’ sa naturang dokumento. 

Ngunit kanyang paalala naman na ang paghingi o akses sa naturang impormasyon ay dapat hindi gamitin bilang blackmail. 

Aniya’y may panganib itong dala-dala sa oras na maibahagi sapagkat hindi lamang raw basta-basta ang nilalaman ng dokumento. 

Samantala, pabor ang naturang kalihim ng Department of Justice na masilip sa lifestyle check maging ang kaanak ng mga opisyal ng gobyerno. 

Kanyang hinimok rin ang publiko na makiisa at magbigay suhestyon hinggil sa usapin ‘lifestyle check’.