-- Advertisements --

Binigyan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online seller ng palugit hanggang sa katapusan ng Setyembre 2025 upang mairehistro at mapasuri ang kanilang mga produkto para sa E-Commerce Philippine Trustmark —isang sertipikasyon na nagsisiguro na ligtas at dekalidad ang mga produktong ibinebenta online.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Roque, layunin ng Trustmark na gabayan ang mga mamimili kung aling mga produkto ang maayos ang kalidad at nakapasa sa safety checks ng DTI, alinsunod sa Consumer Act of the Philippines.

Ibinunyag din ni Roque na nakipag-ugnayan na ang DTI sa mga e-commerce platforms upang hikayatin ang mga online seller na magparehistro, lalo na’t may natatanggap na reklamo ang ahensya ukol sa mga substandard na produkto na nakakalusot umano sa online selling.

Layunin pa ng Trustmark na masiguro ang kaligtasan ng mamimili sa harap ng lumalawak na e-commerce industry sa bansa.