-- Advertisements --

Sinubukan ni Mariel Padilla ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na posible ang isang P500 Noche Buena para sa isang pamilyang may apat na miyembro.

Sa kanyang bagong vlog, namili siya ng sangkap para sa spaghetti, macaroni salad, gulaman at juice, at nagtala ng total na P498.

Gayunman, sinabi ni Mariel na hindi pa rin praktikal ang flat P500 budget dahil hindi pa kasama rito ang pamasahe, gasul, at iba pang pangunahing sangkap.

Dagdag niya, sana ay hindi lang “itawid” ng mga Pilipino ang kanilang Noche Buena.

Binanggit din niya na hindi siya kumakampi sa DTI, at naniniwalang mas nararapat ang mas masaganang handa para sa mga Pilipino.

Matatandaan na kamakailan, sinubukan din ng content creator na si Benedict Cua ang parehong hamon, at sinabing posible man ang P500 handa, hindi ito sapat upang maramdaman ang tunay na diwa ng Pasko.