-- Advertisements --
Nanawagan ang ilang retailers sa Department of Trade and Industry (DTI) na gumawa ng mabigat na hakbang laban sa mga naglipanang pekeng produkto.
Ayon sa Filipino Consumers for Reform (FILCORE) na hindi lamang sa mga iba’t-ibang pamilihan makikita ang mga counterfeit products at sa halip ay laganap na rin ito sa mga online platform.
Makikita sa mga online shops ang mga hindi rehistradong cosmetics at gadgets na walang tamang safety markings ganun din ang mga pekeng branded items.
Giit ng grupo na ang paghihigpit sa mga pekeng produkto ay hindi lamang nagpoprotekta sa mga mamimili at sa halip ay nagbibigay ito ng magbibigay ito ng magandang record sa mga international markets.
















