-- Advertisements --

Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na kayang makapaghanda ng buong Noche Buena para sa P500.

Ayon kay Duterte, mas mataas ang halaga ng kanilang pamimigay na holiday food packages sa Davao, na umaabot sa P2,100 para sa spaghetti at salad pack.

Binigyang-linaw naman ni Trade Secretary Cristina Roque na ang P500 ay para lamang sa pamilya ng apat at may pared-down menu.

Samantala, nagbahagi rin si VP Sara ng maikling update tungkol sa kanyang ama, na nakipag-usap siya tungkol sa politika at kasalukuyang mga kaganapan. Noong Biyernes, tinanggihan ng ICC Appeals Chamber ang interim release request ni Rodrigo Duterte, at sinabi ng pamilya na tinatanggap nila ang desisyon “with peaceful hearts.” (report by Bombo Jai)