-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 42,000 pamilya o 133,000 katao sa Western Visayas ang apektado ng Bagyong Tino.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na ibinahagi ng pamunuan ng Office of Civil Defense Region 6 (OCD-6).

Sa kasalukuyan, 30,000 pamilya o 94,000 katao ang nasa 1,304 na evacuation center.

Ang Capiz naman ang may pinakamaraming apektadong pamilya na 17,000, kasunod ang Iloilo na may mahigit 9,000, Aklan na may halos 8,000, Antique na may mahigit 7,000, at Guimaras na may mahigit 1,000.

Mahigit 400 indibidwal at 113 rolling cargoes ang stranded sa mga pwerto sa Western Visayas.

Umabot na sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng food packs at non-food items na ipinaabot ng mga lokal na pamahalaan at DSWD.

Tinitiyak ng OCD-6 na patuloy silang nagmomonitor at nakikipag-ugnayan upang mabilis na makapagbigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyo sa Western Visayas.