Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz/ IG post

Nag-uwi nang tatlong bronze medals si Hidilyn Diaz sa katatapos lamang na 2019 Asian Weightlifting Championship sa Ningbo, China.

Nasungkit nito ang medalya sa 55 kg. division kung saan pumangalawa siya bilang bahagi ng qualifying tournaments para sa 2020 Tokyo Olympics.

Nanguna naman si Liao Qiuyun ng China na nabuhat ang 128 kilos at nahigitan ang record na ginawa ni Srisurat Sukanya ng Thailand.

Dahil sa panalo, labis ang kasiyahan ni Diaz dahil sa tiyak na ang muling pagsabak niya sa Olympics sa susunod na taon.