Umaasa pa rin si Denver Nuggets forward Juancho Hernangomez na makakapaglaro ito para sa Spain sa darating na 2019 FIBA World Cup sa China.

Ito’y kahit sumailalim si Hernangomez sa isang surgery upang ayusin ang injury nito sa core muscles.

Batay sa ulat, isinagawa ang procedure sa Vincera Institute sa Philadelphia.

Wala namang ibinigay na timetable kung kailan makakabalik si Hernangomez.

Naglista ng average na 5.8 points at 3.8 rebounds si Hernangomez noong 2018-19 regular season.

Bukod kay Hernangomez, maglalaro rin sa World Cup sa ilalim ng kani-kanilang mga national teams si Ben Simmons ng 76ers, at si Marco Belinelli ng San Antonio Spurs.