-- Advertisements --

Sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang kamay si Denver Nuggets player Russel Westbrook.

Ayon sa koponan, pinangunahan ni Dr. Steven Shin ng Kerlan-Jobe Surgery Center ang nasabing operasyon.

Umaasa ang koponan na makakasama nila ang 36-anyos na si Westbrook sa pagbubukas ng bagong season ng NBA
.
Una ng ibinunyag ni Westbrook na ito ay sasailalim sa operasyon para maayos ang dalawang bali sa kaniyang kanang kamay.