Magiging bahagi ang dating Denver Nuggets head coach na si Michael Malone bilang analyst para sa NBA countdown sa Western Conference finals.
Matapos tanggalin ng Nuggets mahigit isang buwan na ang nakalipas ay balik spotlight si Malone na magsisilbing tagapagbigay ng pregame at halftime analysis.
Makakasama ni Malone sina Malika Andrews, Stephen Smith, Bob Myers, Kendrick Perkins, at Shams Charania.
Maalalang nagtala ng 471 panalo si Malone sa loob ng siyam na taon bilang head coach ng Denver at may hawak na record bilang winningest coach.
Pinangunahan niya ang Nuggets sa kanilang kauna-unahang NBA championship noong 2023 at sa anim na sunod na playoff appearances.
Ngayong taon, nakapasok pa rin sa playoffs ang Nuggets sa ilalim ng interim coach na si David Adelman, ngunit natalo sila sa Game 7 ng second round laban sa Thunder.
Samantala magsisimula ang Western Conference finals sa Martes (Miyerkules sa Pilipinas), sa Oklahoma City sa pagitan ng Minnesota Timberwolves at Oklahoma City Thunder.