-- Advertisements --
REP. JERRY NADLER
House Judiciary chairman Rep. Jerry Nadler, (D) New York

Tinapos na ng mga House prosecutors ang kanilang mga opening arguments upang idiin pa sa impeachment trial si US Presidente Donald trump.

Muling nanguna si House Intelligence Chairman Adam Schiff, ang tumatayong impeachment manager, upang hilingin sa mga senator-judges na bigyan ang mamamayan ng America ng “fair trial.”

Gayundin todo pakiusap si Schiff na sana pagbigyan ang mga idadagdag na testigo at mga dokumento na siyang magpapatunay na may mga nilabag sa saligang batas ang Presidente ng Amerika.

Si Schiff ay nagbigay ng 67 na minuto na final address upang mag-wrap up sa tatlong araw nilang presentasyon.

Bukas kasi susunod namang sasagot ang defense lawyers ni Trump.

Agaw pansin naman ang talumpati ng isa rin sa impeachment manager na si House Judiciary Chairman Jerry Nadler, isang Democrat mula sa New York, na nagsabing dapat lamang patalsikin si Trump dahil sa pagiging diktador.

“This is a determination by President Trump that he wants to be all powerful. He does not have to respect the Congress. He does not have to respect the representatives of the people. Only his will goes. He is a dictator. This must not stand,” ani Nadler.

trump white house
US President Donald Trump (White House photo)