-- Advertisements --
Kinumpirma ni US defence secretary Pete Hegseth ang pagkakasibak kay Lt. Gen. Jeffrey Kruse bilang namumuno ng US Defense Intelligence Agency (DIA).
Hindi naman nagbigay si Hegseth ng anumang dahilan sa pagkakasibak kay Kruse kasama ang dalawang iba pang senior military commanders.
Nitong Hunyo ng kumalat ang DIA report ukol sa pag-atake ng US sa Iran na itinanggi naman ng White House.
Inatake kasi ng US ang nuclear site ng Iran kung saan ipinagmalaki ni President Donald Trump ang matagumpay na pag-atake.