-- Advertisements --
Ibinunyag ni US President Donald Trump na isusunod na niya ang Chicago na linisin laban sa mga krimen.
Kasunod ito sa pagtatalaga niya ng mga National Guard sa Washington DC kung saan sa loob ng mahigit isang linggo ay nabawasan ang mga nagaganap na krimen.
Ayon kay Trump na pagkatapos ng Chicago ay maaari nilang isunod ay ang New York.
Hindi aniya nito tatangalin ang mga sundalong nakatalaga hanggang sa gusto niya.
Handa rin nito ng magdeklara ng state of emergency sa Washington dahil sa pagkontra ng ilang mga residente matapos na ilagay ang nasa halos 2,000 mga miyembro ng national guard.