-- Advertisements --
Nagumpisa na ang maritime sail ng Pilipinas kasama ang mga tropa ng Australia patungong West Philippine Sea kung saan nakahabol pa ang warhip ng Canada na HMCS Ville de Quebec upang makibhagi rin sa naturang maritime activity.
Nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ito ay hindi bilang paghahanda kontra sa mga iligal na presensiya ng China sa WPS kundi bahagi ng Alon Exercises sa pagitan ng Pilipinas at ng Australian Forces.
Nauna naman na dito ay nagsagawa na kahapon ng coordinated formation ang mga warships ng tatalong bansa sa Southwest na bahagi ng Mindoro.
Samantala, plano naman ngayon ng tatlong bansa na magsagawa pa ng mas maraming sea drills sa iba’t ibang bahagi ng katubigan ng Pilipinas hanggang Agosto 29.