Sa interpelasyon ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda-Leviste sa budget briefing ng DBCC para sa 2026 proposed national budget tinanong nito sa mga economic managers kung sang ayon sila na ibaba sa 10% ang kasalukuyang 12% na Value Added Tax o VAT.
Ipinunto ng batang mambabatas na kung mabawasan ang “deficit” sa 3% ng gross domestic product o GDP maari ng mabawasan ang tax.
Naniniwala rin si Leviste na isang “great legacy” ng 20th Congress kung maibaba ng Kongreso ang VAT.
Tugon naman ni Finance Sec. Ralph Recto, kung ang deficit ay nasa 3% at kapag debt-GDP ratio ay mababasa sa 50%, walang problema sa kanya na magbaba ng mga buwis.
Dagdag pa no Recto na sa ngayon hirap na tapyasan ang Value added tax dahil magkakaroon pa rin tayo ng deficit hanggang 2029.
Ang 12% VAT ay ipinapataw sa iba’t ibang mga produkto, serbisyo at imported goods.
Pinaka-huling pinatawan ng VAT ay ang mga digital service sa bansa.