Sinagot ng kasalukuyang kalihim ng Department of Public Works and Highways na si Secretary Manuel Bonoan ang inihayag na suhestiyon ni Manila Mayor Isko Moreno hinggil sa usapin ng flood control master plan.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo sa naturang kalihim, kanyang ibinahagi ang reaksyon sa mungkahi ng alkalde na ilipat na lamang ang pagpaplano ng proyekto sa Metropolitan Manila Development Authority.
Kung saan ikinatuwa ni Secretary Bonoan ang mungkahi ng alkalde at aniya’y malugod pa itong tatanggapin ng kagawaran.
Habang nagbigay naman ng paglilinaw ang kalihim hinggil rito sapagkat giit niya’y wala naman na sa kagawaran ang pagpaplano kundi nasa Metropolitan Manila Development Authority na ito.
Kanyang binigyang diin na ang kanilang kagawaran ay tumutulong nalang sa ahensiya at hindi na ang may pangunahing responsable sa flood management ng kalakhang Maynila.
Maisapang ulit na iginiit ng kasalukuyang kalihim matagal na itong nailipat a Metoropolitan Manila Development Authority upang manguna sa implementasyon o plano.
Kinuha raw aniya ito ng naturang ahensiya sa kanila pati ang traffic management para sa kalakhang Maynila.
Maalalang iminungkahi kamakailan ni Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na ipaubaya sa Metropolitan Manila Development Authority ang ‘flood control master plan’.
Hiling niya mismo ito kay Pangulong Ferdinand ‘Bonbong’ Marcos Jr. kasabay ng kaliwa’t kanang isyu at kontrobersiya patungkol sa flood control projects ng pamahalaan.
Naniniwala kasi ang naturang alkalde na ito mas mainam na gawin nang sa gayon ay maging maayos ang pagresolba ng problema sa baha.