-- Advertisements --
Plano ni US President Donald Trump na sumama sa pagpapatrolya ng mga otoridad sa kalsada ng Washington D.C.
Sinabi nito na nais niyang makita ang kalagayan ng Washington DC kasama ang mga kapulisan at sundalo.
Ayon naman sa White House na kanilang pinaplantsa na ang nasabing pagsali ni Trump sa pagpapatrolya.
Una rito ay binisita ni US Vice President JD Vance kasama si Defense Secretary Pete Hegseth ang mga National Guard members na nakatalaga sa DC sa main train station.
Magugunitang nagpakalat si Trump ng mga miyembro ng national guard sa US Capitol para labanan ang talamak na krimen sa lugar.