-- Advertisements --

Ginalugad ng FBI ang bahay ng dating security adviser ni US President Donald Trump na si John Bolton.

Si Bolton na nagsilbi noong unang termino ni Trump ay naging matinding kritiko na ito ng US President sa ikalawang termino.

Nagtungo ang FBI sa bahay ni Bolton sa Bethesda, Maryland at maging sa opisina nito sa Washington DC.

Kinumpirma ito ng FBI kung saan hinahanap nila ng mga classified documents na isinawalat ni Bolton noong siya ay nakapanayam ng ilang mga mamamahayag.

Hindi naman binanggit ng FBI kung may mga dokumento na silang nakuha sa bahay ni Bolton.