-- Advertisements --

Bukas ang Energy Regulatory Commission (ERC) na magkaroonng pagpupulong sa publiko.

Sinabi ng bagong ERC Chair Francisco Saturnino Juan , na bilang pagiging transparent ay layon nilang turuan ang publiko ukol sa power rates at ilang mga isyus.

Ginawan na rin niya ng revision ang ilang patakaran sa ERC para mapabilis ang pagresolba sa mga kasong inihahain sa ahensiya.

Kasabay din nito ay ang pag-aaral sa mga reklamo sa electric cooperatives na inaasahang matatapos ngayong taon.