-- Advertisements --
Binatikos ni Illinois Governor JB Pritzker ang plano ni US President Donald Trump na magpakalat ng National Guard sa Chicago.
Sinabi ng gobernador na isa itong maituturing na pang-aabuso sa kapangyarihan sa panig ni Trump.
Dagdag pa nito na walang anumang emergency na nagaganap kay hindi ito dapat na magpakalat ng mga National Guard.
Una ng nagpakalat si Trump ng nasa 2,000 na mga sundalo sa Washington DC para malabanan ang mga nagaganap na krimen.
Plano din ni Trump na maglagay ng mga National Guard sa Chicago at sa New York na kontrolado ng Democrats.