-- Advertisements --

Inaresto ng mga pulisya ang District engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Batangas 1st District na si Abelardo Calalo, matapos umanong tangkang suhulin si 1st District Representative Leandro Leviste ng P3,126,900 million upang itigil ang imbestigasyon sa mga anomalya sa mga proyekto sa naturang probinsya.

‘The report that came into my office, it appears na doon mismo sa office ni Cong. Leviste po nangyari yung par-aresto at doon pinatawag yung ating kapulisan,’ pahayag ni PBGen. Jack Wanky, Regional Director, PRO-4A.

Nahuli si Calalo noong Agosto 22 sa Taal, Batangas.

Ayon sa pulisya, nakuha ang pera bilang ebidensiya at mahaharap ang naturang district engineer sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon.

Nakatakda namang magsampa ng pormal na reklamo si Leviste laban sa inarestong opisyal.