-- Advertisements --

Pumayag na ang gobyerno ng Uganda na kupkupin ang mga asylum seekers na hindi tinanggap ng US.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Kampala , na ang kasunduan ay base sa kondisyon na walang anumang criminal record ang mga asylum seekers mula sa third world country.

Kung sakaling mga menor-de-edad ay dapat ay mga kasama silang may edad na.

Tinatayang nasa 1.7 milyon na mga migrants kung saan ang Uganda ang may pinakamalaking kumukupkop sa populasyon ng Africa.

Magugunitang ilang milyon ang nakatakdang ipa-deport ni US President Donald Trump ng mga undocumented immigrants.