Pinayagan na rin ng Food and Drug Administration (FDA) sa bisa ng emergency use authorization (EUA) ang Hayat-Vax COVID-19 vaccine na ginawa sa United Arab Emirates.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, dumaan din ito sa kaparehong proseso na dinaanan ng iba pang mga bakunang ginagamit ngayon sa ating bansa.
Inaasahang darating ang inisyal na supply nito sa mga susunod na buwan.
Sa mga nakaraang pagsusuri ng World Health Organization (WHO), mayroong 78 percent na efficacy rate ang nasabing COVID vaccine.
Habang 100 percent naman ito kontra sa pagkamatay na dulot ng COVID, nasa 93 percent effective naman ito para mapigilan ang hospitalisation care at 95 percent effective kontra sa intensive care.
Isinagawa ang mga pag-aaral sa Abu Dhabi, bago pa man ang mass production nito noong buwan ng Mayo.
Sa kasalukuyan, aprobado na ito sa 45 bansa at umaabot sa 65 million doses na ang naiturok ng vaccinators.