-- Advertisements --

Ipinahayag ng Filipino-Canadian actor na si Manny Jacinto ang kanyang interes na gumawa ng pelikula sa Pilipinas, kabilang na ang pag-arte at pagsulat ng mga kuwentong maaaring gawin sa bansa.

Sa panayam ni Boy Abunda noong Agosto 8 sinabi ni Manny na: “The actual goal is to write and create stories that can actually be filmed in the Philippines.”

Ibinahagi rin niya na kasalukuyan siyang bumubuo ng istorya tungkol sa sabong, ngunit nilinaw niyang wala itong kaugnayan sa mga nawawalang mga sabungero.

“It’s a family story… I can’t say too much about it because it’s still in the works,” dagdag niya.

Bagaman tatlong taong gulang pa lamang siya nang lumipat sa Canada, sinabi ni Manny na naiintindihan pa rin niya ang wikang Filipino at may mga kamag-anak pa siya dito sa Pilipinas, lalo na sa panig ng kanyang ama.

Matapos ang ilang taon sa Hollywood, ibinahagi rin ni Manny Jacinto ang kanyang karanasan sa industriya, kabilang ang maraming rejection bilang isang Asian at Filipino actor.

“It’s tough to be in the industry… you just have to keep on going,” aniya.

Nabatid na bumisita si Manny Jacinto sa Pilipinas para i-promote ang kanyang pelikulang “Freakier Friday”, sequel ng 2003 film na Freaky Friday. Gaganap siya bilang Eric Reyes, isang Filipino-British chef na ikakasal kay Anna Coleman (Lindsay Lohan) sa pelikula.