CAGAYAN DE ORO CITY – Patung-patong na kaso ang isinampa laban sa anim na hinihinalang illegal miners na nahuli ng mga operatiba ng PNP-CIDG sa Purok 3, Brgy. Mahayahay, Manticao, Misamis Oriental.
Ayon kay Police Major Frey Emocling ng CIDG Misamis Oriental na ang mga suspek ay unang naharang habang nagdadala ng “ore” minerals mula sa Brgy. Limonda, Opol, nitong lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Ronnie Fernandez (41, taga-Davao de Oro), Ryan Jaye Maquidato (34, taga-Manticao), Benito Lamsin Jr. (43), Jodel Cabug (37), Arnold Tagaytayan (47), at Elfred Carido (36), na karamihan ay mula sa Tagum City at Davao de Oro.
Kabilang sa mga nakumpiska ang pitong rod mill drums, isang three-meter connecting rod, at 500 sako ng mineral ores na nagkakahalaga ng ₱1.2 milyon
Kinasuhan ang mga suspek sa paglabag ng Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995, partikular sa theft of minerals, at illegal possession of firearms.