-- Advertisements --

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa driver at may-ari ng isang L300 delivery van na nasangkot sa isang viral video ng agresibong pagtatalo kaugnay ng illegal parking sa Timog,-Tomas Morato area, Quezon City.

Makikita sa video na maling nakaparada ang van, na humarang sa daanan ng paradahan ng isang establisyimento, ngunit mapangahas pa ring nakipagtalo ang driver.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, kitang-kita aniya sa video na mali ang pag-park ng van subalit lumalabas na ang tapang pa aniya ng driver.

Kapag nakumpirma ang pagkakakilanlan ng driver, agad sususpindehin ng 90-araw ang lisensya nito.

Mahaharap ang driver sa mga kaso ng illegal parking, obstruction, at being an improper person to operate a motor vehicle.